HomeDiocesan ReportsObispo ng Legazpi, nanawagan ng mahigpit na panuntunan sa ‘quarrying’

Obispo ng Legazpi, nanawagan ng mahigpit na panuntunan sa ‘quarrying’

Umabot sa halos 300 na mga tahanan sa bayan ng Guinobatan sa Albay ang naiulat na nabaon sa pinaghalong buhangin, putik, lahar, at maging malalaking bato

Muling nanawagan sa pamahalaan ang Diocese ng Legazpi kaugnay sa “quarrying” sa lalawigan na nagdulot ng matinding epekto at panganib sa mga residente sa nagdaang super typhoon “Rolly.”

Ayon kay Bishop Joel Baylon ng Legazpi, nawa’y magpatupad ng mahigpit at istriktong panuntunan ang pamahalaan hinggil sa pagsasagawa ng “quarrying.”

“Panawagan namin sa pamahalaan na sana’y istriktong ipatupad an[g] pag-quarry duon lang sa tamang lugar at hindi yung kahit saan-saan na lang,” ayon sa obispo.




Iminungkahi ni Bishop Baylon na mas makabubuti at dapat na magsagawa ng quarrying sa “gullies” o mga kanal sa palibot ng Bulkang Mayon na likas o natural nang pinagdadaluyan ng tubig at lahar.

“Hindi po masama ang pag-quarry, kasi kailangan natin ang mga aggregates para sa paggawa ng mga kalsada, bahay, at iba pa. Kaya lang dapat sa tamang lugar mag-quarry, at hindi yung kahit saan lang naisin ng nagku-quarry,” aniya.

Umabot sa halos 300 na mga tahanan sa bayan ng Guinobatan sa Albay ang naiulat na nabaon sa pinaghalong buhangin, putik, lahar, at maging malalaking bato mula sa bulkang Mayon nang humampas ang bagyong “Rolly.”

Taong 2006 nang magdulot rin ng matinding pagkawasak sa Bicol Region ang super typhoon “Reming” na nag-iwan ng aabot sa 1,366-katao na nasawi nang magkaroon ng mud flow mula sa bulkang Mayon.

- Newsletter -

Tiniyak naman ng Department of Environment and Natural Resources sa publiko na magsasagawa ito ng imbestigasyon sa quarrying kahit na inanunsyo na nito ang suspensiyon ng quarrying activities sa lalawigan bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mula sa ulat ng Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest