HomeDiocesan Reports'Yolanda,' nag-iwan ng hamong pangalagaan ang kalikasan

‘Yolanda,’ nag-iwan ng hamong pangalagaan ang kalikasan

Ang pananalangin at matatag na pananampalataya sa Panginoon kasabay ng pagpapanatili ng pagkakaisa sa komunidad ang isa sa pinamahalagang aral

Maraming aral na iniwan ang pananalasa ng super typhoon “Yolanda” sa mga mamamayan ng Eastern Visayas region.

Ito ang ibinahagi ni Bishop Crispin Varquez ng Borongan sa paggunita ng pananalasa ng bagyo sa rehiyon, pitong taon na ang nakakalipas.

Ayon sa obispo, ang pananalangin at matatag na pananampalataya sa Panginoon kasabay ng pagpapanatili ng pagkakaisa sa komunidad ang isa sa pinamahalagang aral na natutunan ng mga mamamayan mula sa pananalasa ng pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng bansa.

Inihayag ni Bishop Varquez na mahalaga ang pagkakaroon ng magandang relasyon ng buong komunidad bilang pundasyon ng pagtutulungan at pagmamalasakitan, lalo na sa oras ng kalamidad at sakuna.




“You have to keep on praying, you have to strengthen our faith then establish palagi yung community, palagi na maging aware at saka magandang relasyon, madali kasing magtutulungan kapag maganda ang relasyon ng community,” ayon sa obispo.

Ibinahagi ng obispo ang pagbubuo ng iba’t-ibang grupo at sistema ng mamamayan sa lalawigan upang mas maging maagap at epektibo ang pagtugon sa oras ng kalamidad.

Sinabi ni Bishop Varquez na natutunan na rin ng mamamayan na mamuhunan sa pagkakaroon ng mas matibay na pundasyon ng mga gusali at tahanan na kakayaning malagpasan ang malalakas na bagyo na maaring manalasa sa lalawigan.

- Newsletter -

“They know what to do and they know where to go, so this are few learnings na aming nakuha,” dagdag niya sa ulat ng Veritas 846.

Binigyang diin naman ng obispo na bukod sa aral ay nag-iwan rin si “Yolanda” ng hamon para sa bawat isa na higit na bigyang halaga ang pangangalaga sa kalikasan na biyaya ng Panginoon.

Ayon kay Bishop Varquez, ang epekto ng pananalasa ng super typhoon ay isa ring panawagan sa pagbabago ng paraan ng pamumuhay ng bawat isa.

“Our learnings is we have to modify our lifestyle and we have to take care of God’s creation,” aniya.

Mula sa ulat ng Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest