HomeDiocesan ReportsUnahin ang kaligtasan sa paggunita ng Undas — Diocese of Kalibo

Unahin ang kaligtasan sa paggunita ng Undas — Diocese of Kalibo

Sinabi ni Bishop Jose Corazon Talaoc na kinakailangang iwasan ang malaking pagtitipon sa mga sementeryo upang hindi kumalat ang COVID-19

Hinimok ng Diyosesis ng Kalibo ang mananampalataya na sundin ang kautusan ng pamahalaan hinggil sa nalalapit na All Saints’ at All Souls’ Day.

Sa kanyang pastoral letter, sinabi ni Bishop Jose Corazon Talaoc na kinakailangang iwasan ang malaking pagtitipon sa mga sementeryo upang hindi kumalat ang new coronavirus.

“The resolution made by the [Inter-Agency Task Force] is commendable. Let us support and follow such directive from the government,” ayon sa obispo.




“I appeal for all the faithful to understand and abide the current regulation. Let us prioritize public safety and security in the midst of this pandemic,” bahagi ng panawagan ng obispo.

Kaugnay dito, pinaalalahanan ang mamamayan na huwag dumalaw sa mga sementeryo sa pagitan ng Oktubre 29 at Nobyembre 4.

Kasabay ng pagsasara ng mga sementeryo sa lalawigan, hindi rin pinahintulutan ng obispo ang pagsasagawa ng Banal na Misa sa mga libingan.

Sinabi ng obispo na maaaring dumalaw sa sementeryo sa mga petsang itinakda ng pamahalaan kasabay ng pagsunod sa mga safety health protocol.

- Newsletter -

Ayon kay Bishop Talaoc, dapat mag-alay ng dasal ang pamilya para sa kaluluwa ng mga yumaong kaanak lalo na sa Banal na Misa.

“Since the faithful are not allowed to visit the cemeteries from October 29, 2020 to November 4, 2020, we encourage everyone to go to Church and offer Mass for their beloved dead,” aniya.

“The Holy Eucharist is the best gift and prayer we can offer for our deceased relatives and friends,” dagdag ng obispo

Tiniyak ni Bishop Talaoc sa mananampalataya ang pakikiisa sa pananalangin sa Todos Los Santos at paggunita ng mga yumaong mahal sa buhay sa gitna ng krisis na dulot ng pandemya.

Mula sa ulat ng Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest