HomeDiocesan ReportsPari mula Cebu, itinalagang papal chaplain

Pari mula Cebu, itinalagang papal chaplain

Bukod sa pagiging papal chaplain, si Monsignor John Thomas Limchua ay naitalaga rin na opisyal ng Section for the Relations with States sa Vatican

Isang karangalan para sa Arkidiyosesis ng Cebu at ng mga Filipino ang pagkakatalaga kay Monsignor John Thomas Limchua bilang papal chaplain.

Ayon kay Monsignor Joseph Tan, tagapagsalita ng arkidiyosesis, indikasyon ito ng pagtitiwala ni Pope Francis sa kakayahan ng mga Filipino na gampanan ang mga tungkulin ng paglilingkod sa Simbahang.

“Tanda ito ng kasiyahan ng Santo Papa Francisco sa serbisyo at paglilingkod ni Monsignor [John] Limchua sa Santo Papa at sa buong Simbahang Katolika,” ayon kay Monsignor Tan.




Bukod sa pagiging papal chaplain, nauna nang naitalaga si Monsignor Limchua bilang opisyal ng Section for the Relations with States sa Vatican nitong Hulyo sa ilalim ng Secretariat of State of the Holy See.

Magsisilbing spiritual servant si Monsignor Limchua ng papal household o papal chapel.

Nagsimula si Monsignor Limchua sa diplomatic service noong Setyembre 2014 at naglingkod sa Apostolic Nunciature ng Benin at Togo sa West Africa at sa Egypt.

Nagtapos ang pari ng kanyang Theological studies sa Faculty of Theology sa University of Navarre sa Pamplona, Spain, habang ang kanyang doctorate in Canon Law naman sa Pontifical Lateran University sa Roma.

- Newsletter -

Noong 2010, naordinahang pari si Monsignor Limchua sa Arkidiyosesis ng Cebu at sumailalim ng diplomatic formation sa Pontifical Ecclesiastical Academy, ang diplomatic school ng Vatican.

Nagpaabot ng pagbati ang arkidiyosesis kay Monsignor Limchua kasabay ng pananalangin para sa bagong misyong paglilingkod sa Santo Papa.

“Sa ngalan ng ating Arsobispo Jose S. Palma at sa lahat ng mga pari, relihiyoso at mga layko ng Cebu, binabati namin si Monsignor John Thomas Limchua sa karangalan na ipinagkaloob ng Santo Papa sa kanya bilang papal chaplain,” ayon kay Monsignor Tan.

Bukod kay Monsignor Limchua, dalawa pang Cebuanong pari ang naging bahagi sa diplomatic service, ang magkapatid na si Archbishop Osvaldo Padilla, ang Apostolic Nuncio Emeritus ng Korea, at Archbishop Francisco Padilla na kasalukuyang Apostolic Nuncio naman ng Guatemala.

Mula sa ulat ng Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest