HomeNews AlertMaging saksi sa pananampalataya, hamon ng Simbahan ngayong Buwan ng Misyon

Maging saksi sa pananampalataya, hamon ng Simbahan ngayong Buwan ng Misyon

Mahalagang ipagpatuloy ng mamamayan ang pagiging saksi ng pananampalataya at pagbahagi nito sa kapwa bilang pakikiisa sa misyon ni Hesus

Hinikayat ng Episcopal Commission on Mission ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga Katoliko na paigtingin ang pagsasabuhay ng pananampalataya sa Panginoon.

Ayon kay Bishop Socrates Mesiona ng Puerto Princesa, mahalagang ipagpatuloy ng mamamayan ang pagiging saksi ng pananampalataya at pagbahagi nito sa kapwa bilang pakikiisa sa misyon ni Hesus sa sanlibutan.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng Buwan ng Misyon na itinalaga ng Simbahang Katolika tuwing buwan ng Oktubre.




“Be a good Christian because by becoming good, we give witness to our Catholic faith. When we give witness we are already spreading God’s love and message of salvation,” pahayag ni Bishop Mesiona sa Radio Veritas.

Sinabi ng obispo na ang paggunita sa Buwan ng Misyon ay paalala na tungkulin ng bawat isa na maging kaisa at kabahagi ng misyon ni Hesus bilang mga binyagang Kristiyano.

Hiling ni Bishop Mesiona na sa pagganap sa misyon ay ipanalangin ang mga biktima ng pandemya.

Sa taya, libu-libong Filipinong misyonero ang nasa iba’t-ibang bahagi ng daigdig ang naglilingkod at nagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon kabilang.

- Newsletter -

Dalangin ni Bishop Mesiona na sa paglago ng Kristiyanismo sa bansa ay mas mag-alab pa ang pananampalataya ng mamamayan tungo sa pagkakabuklod-buklod.

“As we celebrate the 500 years of Christianity, sana patuloy tayong magiging isang Simbahang may misyon, a missionary Church,” dagdag ni Bishop Mesiona.

Sa ika-18 ng Oktubre ay ipagdiriwang ng Simbahan ang World Mission Sunday kung kailan magkakaroon ng online catechesis sa pangunguna ng Commission on Mission ng CBCP.

Magsisimula ang online catechesis sa ika-10 ng Oktubre at magtatagal hanggang sa susunod na taon sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo.

Matutunghayan sa Facebook page ng CBCP Episcopal Commission on Mission at iba pang social media pages ng Simbahan ang katekismo.

Patuloy namang hinimok ni Bishop Mesiona ang bawat isa na gamitin ang bawat pagkakataon na ibahagi ang misyong paglingap sa kapwa at ipadama ang pag-ibig ng Diyos at patuloy na suportahan ang misyon ng Simbahan.

Mula sa ulat ng Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest