HomeDiocesan Reports‘Cremated remains,’ babasbasan ng Archdiocese of Manila

‘Cremated remains,’ babasbasan ng Archdiocese of Manila

Gagawin ang pagbabasbas bilang tugon sa pastoral instruction ni Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator ng Maynila

Magsasagawa ng pagbabasbas ng mga “urn” ang Minor Basilica of the Immaculate Conception Cathedral sa lahat ng linggo simula sa ika-4 ng Oktubre hanggang sa ika-8 ng Nobyembre.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Manila Cathedral, gagawin ang pagbabasbas bilang tugon sa pastoral instruction ni Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator ng Maynila.

“From October 4 to November 8, in all our Sunday Masses, we will be having the Rite of Blessing of Cremated Remains,” pahayag ng obispo.




“The family may bring the urn and a picture of their beloved dead, and we will celebrate a worthy liturgical blessing for them,” dagdag ni Bishop Pabillo.

Naging bahagi ng protocol sa panahon ng pandemya ang pagsusunog o pag-cremate ng mga labi ng mga namayapang sa COVID-19.

Hinikayat ang mga mananampalataya na dalhin ang urn at larawan ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay na babasbasan pagkatapos ng Misa.

Hinihikayat ang mga parokya sa Maynila na maglaan ng mas maraming Misa para sa mga namayapa lalu’t pansamantalang ipasasara ang mga sementeryo kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Banal at Araw ng mga Patay.

- Newsletter -

Una na ring ipinag-utos ng pamahalaan ang pagpapasara sa lahat ng mga sementeryo sa buong bansa simula ika-30 ng Oktubre hanggang sa ika-4 ng Nobyembre.

Naglabas din ang Arkidiyosesis ng Maynila ng panalangin para sa mga namayapa na maaring dasalin ng bawat pamilya sa kanilang tahanan nang hindi na kailangan pang magtungo sa sementeryo.

Mula sa ulat ng Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest