HomeDiocesan ReportsSimbahan ng Santo Niño de Pandacan itatayo sa pagtutulungan ng mananampalataya

Simbahan ng Santo Niño de Pandacan itatayo sa pagtutulungan ng mananampalataya

Naniniwala ang pamunuan ng Santo Niño de Pandacan parish na maitatayong muli ang kanilang simbahan sa lalong madaling panahon sa pagtutulungan ng mananampalataya.

Ayon kay Father Sanny de Claro, kura paroko ng parokya, ang tunay na Simbahan ay ang mananampalatayang bumuo ng komunidad at nagkakaisang magpupuri sa Diyos sa bahay dalanginan kaya ito rin ang magtatayo sa nasunog na simbahan.

“To build the church is a collaborative effort of the people who long to worship God. Tayo ang tunay na Simbahan,” pahayag ni Father De Claro sa Radio Veritas.




Ibinahagi ng pari na nagpapatuloy ang pagpupulong ng mga enhinyero at arkitekto na mangangasiwa sa reconstruction ng simbahan ngunit kasalukuyan itong naaantala dahil sa mga limitasyong dulot ng pandemya.

Pinasalamatan naman ni Father De Claro si Manila Mayor Isko Moreno na nagbigay ng donasyon para sa pagtatayo ng simbahan at ang lahat ng mga nagpaabot ng kanilang tulong pinansyal para sa pagsasaayos ng simbahang natupok ng apoy noong Hulyo 10.

Samantala, tiniyak ng Caritas Manila ang buwanang suporta na Php100,000 hanggang sa matapos ang proyekto bilang tugon sa pangangailangan ng Santo Niño de Pandacan.

Patuloy pa ring nanawagan ang pari sa mamamayan ng tulong para sa pagsasaayos ng simbahan upang muling manumbalik ang sigla ng pananampalataya sa parokya.

- Newsletter -

“Maraming tao ang nais tumulong, walang maliit walang malaki, ang mahalaga galing sa puso, ‘yan ay malaking ambag para tumayo ang simbahan,” ani ni Father De Claro.

Mula sa ulat ng Radio Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest