HomeDiocesan ReportsArkidiyosesis ng Pampanga susunod sa mahigpit na health protocols

Arkidiyosesis ng Pampanga susunod sa mahigpit na health protocols

Tiniyak ng Archdiocese of San Fernando sa probinsya ng Pampanga ang mahigpit na pagsunod sa ipinatutupad na safety health protocols bilang pag-iingat mula sa Covid-19.

Ayon kay Archbishop Florentino Lavarias ng San Fernando ang safety health standards ay ipatutupad sa lahat na mga parokya at institusyon ng Simbahan upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan.

Kabilang sa mga safety health protocol na ipinatutupad ng arkidiyosesis ay ang pagsusuot ng face masks, face shield, physical distancing, madalas na disinfection sa simbahan matapos ang pagsasagawa ng Banal na Misa, pagsusuri sa temperatura, at ang paghuhugas ng kamay.




Bukod pa rito, itatala ang mga pangalan ng mga dumadalo sa misa na maaring gamitin para sa contract tracing.

Ayon sa arsobispo, ipinapaalala rin na huwag munang dumalo sa selebrasyon kung may karamdaman, maging ang mga senior citizen at mga batang wala pa sa edad na 21. Sa halip ay pansamatala munang makibahagi sa Misa sa pamamagitan ng radyo, telebisyon, o sa internet.

Pinaalalahanan rin ng arsobispo ang bawat mananamapalataya na patuloy na manalangin ng “Oratio Imperata.”

Sa probinsya ng Pampanga umiiral ang “modified general community quarantine” kung saan pinapayagan ang pagdalo ng publiko sa mga selebrasyon hanggang sa sampung porsiyento ng kapasidad ng simbahan.

- Newsletter -

Mula sa ulat ng Radio Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest