HomeDiocesan ReportsMga pari sa Kalibo hinimok na magpatuloy sa ‘anointing of the sick’

Mga pari sa Kalibo hinimok na magpatuloy sa ‘anointing of the sick’

Hinimok ni Bishop Jose Corazon Talaoc ng Kalibo ang mga pari sa diocese na ipagpatuloy ang pananalangin at pagpapahid (anointing) sa mga taong may sakit sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Isinagawa ng obispo ang panawagan sa Chrism Mass na dinaluhan ng mga pari mula sa sa iba’t ibang parokya. Isinagawa it sa St. John the Baptist Cathedral sa Kalibo.

“Marami pa rin ang nag-iisip na ang pagpapahid sa mga tao ay para lamang sa malapit nang mamatay,” ayon sa obispo.




“Ipaliwanag natin sa mga deboto na ang pagpapahid ay isang uri ng pananalangin para sa mga taong may sakit at para sa kanilang paggaling,” dagdag ni Bishop Talaoc.

“Huwag kayong matakot dahil isa ito sa ating katungkulan bilang pari,” panawagan niya sa mga pari.

Kasalukuyang walang aktibong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Aklan. Lahat ng residente na nagkasakit ay nakarekober na.

Isinailalim na sa “Modified General Community Quarantine Medium Risk category ang buong probinsya.

- Newsletter -

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest