HomeDiocesan Reports‘Flexible learning’ ng mga mag-aaral, pinaghahandaan ng Diocese of Imus

‘Flexible learning’ ng mga mag-aaral, pinaghahandaan ng Diocese of Imus

Inihayag ng Obispo ng Diocese of Imus ang ginagawang pagsusuri at paghahanda ng diyosesis para sa “flexible learning” ng mga mag-aaral sa mga Catholic school sa gitna ng patuloy na banta ng new coronavirus disease.

Ayon kay Imus Bishop Reynaldo Evangelista, chairman ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, pinag-aaralan na rin ng pamunuan ng mga Katolikong paaralan sa diyosesis ang kapasidad ng bawat pamilya na makasabay sa inaasahang mga pagbabagong ipatutupad sa sistema ng edukasyon.

Paliwanag ng obispo, kabilang sa mga sinusuri ay ang pagkakaroon ng naaangkop na gadget, internet connection, at sitwasyon o kalagayan sa buhay na dapat ikinukonsidera upang maging patas sa lahat ng mag-aaral ang ipatutupad na sistema ng edukasyon sa lahat ng Catholic schools.




Sinabi ni Bishop Evangelista na maari ring maglagay ang diyosesis ng kakailanganin ng mga estudyante sa mismong mga parokya o parish halls upang matulungan ang mga mag-aaral.

“Dito sa amin sa diocese, yung aming mga Catholic school and even yung mga congregation schools ay may tinatawag na flexible learning at yun ay inihahanda namin at inaaral na rin gaya ng sinasabi din ng [Department of Education],” ayon sa obispo.

Naunang sinuspendi ng Department of Education ang face-to-face classes ng mga mag-aaral at inaasahan ang pagpapatupad ng “distance learning approach” simula sa ika-24 ng Agosto.

Batay sa tala ng DepEd noong ika-30 ng Hunyo, umabot sa 15,907,786 na mga mag-aaral ang nagpatala para sa school year 2020-2021 kung saan sa bilang na ito mahigit 670,000 ang nagpatala sa mga pribadong paaralan.

- Newsletter -

Mas mababa ito kumpara sa bilang na 27-milyong estudyante mula kindergarten hanggang Grade 12 noong nakalipas na taon.

Sa tala ng Catholic Directory of the Philippines, ang Diocese of Imus ay mayroong dalawang seminaryo at 80 educational centers na kinabibilangan ng kindergarten, grade schools, high schools, vocational schools, colleges, at universities.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest