HomeDiocesan ReportsDiyosesis ng Cabanatuan handa sa pagpapatupad ng MGCQ

Diyosesis ng Cabanatuan handa sa pagpapatupad ng MGCQ

Tiniyak ng Diyosesis ng Cabanatuan sa probinsya ng Nueva Ecija ang pagsunod sa mga ipinatutupad na panuntunan ng pamahalaan kaugnay sa pagsasagawa ng mga gawaing pansimbahan sa mga lugar na nasa ilalim ng “modified general community quarantine (MGCQ).”

Sa ulat ng Radio Veritas, sinabi ni Bishop Sofronio Bancud na mahigpit ang pagtalima ng diyosesis sa mga panuntunan ng gobyerno at patuloy ang pagpapaalala ng Simbahan sa mga mananampalataya kaugnay sa pagsunod sa mga safety health protocol.

Nagdeklara ang pamahalaan ng MGCQ sa Region 3, kasama na ang probinsya ng Nueva Ecija simula noong ika-16 ng Hunyo hanggang ika-30 ng buwan.



Sinabi ni Bishop Bancud na nagtakda rin ng mga panuntunan ang diyosesis upang matiyak na masusunod sa lahat na mga Simbahan ang mga pag-iingat sa sakit, kabilang na ang physical distancing.

“We know for a fact that there are people who come in, they are warned pero we already provide spaces, talagang yung social distancing nakahanda,” pahayag ng obispo sa panayam sa Radio Veritas.

Ang Diyosesis ng Cabanatuan ay mayroong mahigit 30 na mga parokya na gumagabay sa may 1.2 milyong mananampalatayang Katoliko.

Nasasaad sa panuntunan ng gobyerno na sa ilalim ng MGCQ ay pahihintulutan na ang mass gathering hanggang sa 50 porsyento ng kapasidad ng lugar na pagdadausan.

- Newsletter -

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest