HomeNewsDasal, pagbati ipinaabot sa mga ama ng tahanan sa Father’s Day

Dasal, pagbati ipinaabot sa mga ama ng tahanan sa Father’s Day

NAGPAABOT ng panalangin at pagbati ang ilang obispo sa mga ama ng tahanan sa okasyon ng “Fathers’ Day” ngayong Linggo, Hunyo 21.

Sa panayam sa Radyo Veritas, nanawagan si Bishop Broderick Pabillo sa mga tatay na tularan ang halimbawa ng Panginoon na “nagsisikap na pangalagaan ang kanyang mga anak.”

“Ganundin po yung mga tatay, sana ganun din tayo, we reflect the fatherhood of God,” ayon kay Bishop Pabillo, apostolic administrator ng Archdiocese of Manila.




Hiling niya sa bawat tatay na pagnilayan at sundin ang pagiging Ama ng Diyos sa pagsisikap na pangalagaan at paglingkuran ang kaniyang mga anak.

Nanawagan naman ng dasal si Bishop Emeritus Arturo Bastes ng Sorosogon para sa mga ama ng tahanan na nahaharap sa pagsubok dahil sa krisis na dulot ng coronavirus pandemic.

“We must pray for our tatays,” ayon sa obispo.

Ayon naman kay Bishop Ruperto Santos ng Balanga, dapat ipadama sa mga tatay ang kanilang kahalagahan sa kabila ng patuloy na mga suliranin ng pamilya dulot ng krisis.

- Newsletter -

“With this difficult and dangerous time … we know your worries and anxieties,” ayon sa obispo.

“You think much not of yourself but the welfare and well being of us, your family,” dagdag niya.

“In your heart, as father, you want to provide what we need. In your mind, you think always how to protect us, how to keep us safe and how to make us successful,” ayon kay Bishop Santos.

Hiling ng obispo sa mga kabataan na huwag kalimutang pasalamatan at ipagdasal ang kanilang mga ama na patuloy na umaagapay sa kanilang paglaki.

Isang panalangin ang inihanda ni Bishop Santos para sa natatanging pagdiriwang ng Father’s Day sa taong ito.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest