Nakikiisa ang Archdiocese of Cebu sa panawagan ng CBCP-Episcopal Commission on Liturgy sa sama-samang pananalangin upang magkaroon ng ulan at maibsan ang nararanasang matinding init sanhi ng El Niño Phenomenon.
Ang Oratio Imperata ay pinaikli at isinalin sa Cebuano, sa pahintulot ni Cebu Archbishop Jose Palma, at ipinag-utos na dasalin ito sa bawat Banal na Pagdiriwang habang nakaluhod pagkatapos ng pakikinabang at bago naman ang post-communion prayer.
Bago ito ay naglabas na ng liham-sirkular ang Archdiocese of Manila at Diocese of Cubao upang hikayatin ang mga parokya at pamayanan na usalin ang Oratio Imperata kahalili ng Panalangin ng Bayan sa bawat Banal na Misa.
Una na ring ipinag-utos ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista sa mananampalataya sa Cavite ang pananalangin para sa ulan sa gitna ng nakababahalang tagtuyot na labis nang nakakaapekto sa mga pananim at kalusugan sa mga pamayanan.
We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.
We use cookies to ensure that we give you the best experience on our website. If you continue to use this site we will assume that you are happy with it.OkNo