HomeDiocesan ReportsUrban gardening, isinusulong ng Camillian Fathers

Urban gardening, isinusulong ng Camillian Fathers

“Creating gardens is an act of atonement that can heal our past sins of overconsumption, environmental injustice and indifference"

Maliban sa pangangalaga sa kalusugan, isinusulong ng Camillian Fathers ang pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng urban gardening.

Ayon kay Camillian Vicar Provincial Father Dan Cancino, alinsunod ito sa Laudato Si’ Action Platform at mga katuruan ng Simbahan kung saan ang mga hardin ay halimbawa ng pagpapahayag ng pagnanais na makiisa sa kalikasan at Diyos na tagapaglikha.

Paliwanag ng pari na ito ay paraan din ng pagsisisi sa mga nagawang kasalanan at pang-aabuso sa nag-iisang tahanan.



“Creating gardens is an act of atonement that can heal our past sins of overconsumption, environmental injustice and indifference, and can bring us closer to the vision of integral ecology in Laudato Si’,” pahayag ni Father Cancino.

Dagdag ni Father Cancino na siya ring executive secretary ng Health Care Commission ng CBCP, ang mga halaman at gulay ay nakapagpapabuti ng kalusugan mula sa polusyon sa kapaligiran at pagkonsumo ng mga hindi masustansiyang pagkain.

Bukod pa rito, pinagtitibay din ng urban gardening ang ugnayan ng bawat pamilya at pamayanan sa pamamagitan ng pagtutulungan sa paglikha nito.

“We sow anecdotes, water and nurture our fraternal relationship, take greater awareness of God’s goodness and greatness through the fruits of the Earth, and foster our care for her,” ayon kay Father Cancino.

- Newsletter -

Hinihikayat ng Simbahan ang pagtangkilik sa plant-based diet na isinusulong ang pagkonsumo ng masustansiyang pagkain at pangangalaga sa kalikasan.

Kaakibat nito ang “No-Meat Friday Campaign” na panawagang bawasan ang pagkain ng karne ng hayop upang makaiwas sa mga karamdamang maaaring makuha sa labis na pagkonsumo nito.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest