HomeDiocesan ReportsSa ika-54 taon ng Radio Veritas, tiniyak ang patuloy na pagpapalalim ng...

Sa ika-54 taon ng Radio Veritas, tiniyak ang patuloy na pagpapalalim ng pananampalataya

April 11, 1969, nang maitatag ang Radio Veritas upang maging instrumento sa ebanghelisasyon

Tiniyak ng pamunuan ng Radio Veritas ang patuloy na pagpapalawak ng misyong ibahagi ang Salita ng Diyos sa pamayanan sa ika-54 na anibersaryo ng media organization.

“Lalo nating palakasin ang pagpapalalim ng pananampalataya na makikita sa konkretong gawa, more witnessing sa Mabuting Balita,” ayon kay Father Anton CT Pascual, presidente ng Radio Veritas.

“Ang Radio Veritas ay makikiisa sa pagpapahasik ng katotohanan sa harap ng mga pekeng balita at impormasyon, katotohanang nakaugat sa Salita ng Diyos,” ayon sa pari sa kanyang mensahe kasabay ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.



Tiniyak ng opisyal na bukod sa pagiging boses ng katotohanan ay palalakasin din ng himpilan ang pagtugon sa pangangailangan ng mga dukha sa lipunan sa pakikipagtulungan sa Caritas Manila, ang social arm ng Archdiocese of Manila.

Ilan dito ang programang “Caritas in Action” na pangunahing public service program ng himpilan na kumakalinga sa pangangailangan ng mamamayan.

Samantala pinuri ni Archbishop Charles Brown, papal nuncio, ang himpilan sa mga gawaing katuwang ng Simbahan sa pagmimisyon at pagpalaganap ng Salita ng Diyos sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas at maging sa ibayong dagat sa pamamagitan ng digital platforms.

“Easter Sunday is the day in which most important, most wonderful, most glorious news was ever communicated, a news of Christ resurrection from the dead and it is appropriate that the radio station was founded. Continue in everything you do to communicate the message of Christ,” ayon kay Archbishop Brown.

- Newsletter -

April 11, 1969, nang maitatag ang Radio Veritas upang maging instrumento sa ebanghelisasyon.

Makalipas ang mahigit limang dekada, patuloy ang himpilan sa pagsabuhay sa vision na maging “leading social communication ministry for truth and new evangelization” batay sa misyong “To expand the Church in multimedia and establish a center for information and communication” alinsunod sa values na “Faith and Honesty, Creativity and Innovativeness.”

Pinangunahan ni Archbishop Jose Cardinal Advincula ng Maynila ang Misa pasalamat kasama sina Father Pascual, Father Victor Sadaya, CMF, General Manager ng Radio Veritas Asia, at Father Mico Dellera.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest