HomeNewsOpisyal ng Simbahan, duda sa ‘privatization’ ng gov’t hospitals

Opisyal ng Simbahan, duda sa ‘privatization’ ng gov’t hospitals

"Itong privatization ng ating mga hospitals, kailangang dapat hindi iilan lang ang mga nag-uusap dito"

Hinamon ng Health Care Commission ng Simbahang Katolika ang pamahalaan na paigtingin at pagandahin ang serbisyo pangkalusugan sa bansa.

Ayon kay Father Dan Cancino, MI, executive secretary ng Episcopal Commission on Health Care, dapat paglaanan ng malaking pondo ang pagpapabuti sa sektor ng kalusugan.

“Ang advocacy ay mas pag-igtingin ng ating gobyerno ‘yung ating mga public health services. I-improve n’ya ‘to, gawin itong mas accessible at mas available lalong-lalo na sa mahihirap,” pahayag ni Father Cancino sa panayam ng Radio Veritas 846.



Panawagan ng pari sa pamahalaan na ibilang sa layuning pagpapabuti sa healthcare sector ng bansa ang pagpapagaling sa mga pasyente sa halip na panay kita lamang.

Nilinaw naman ng pari na kinikilala at pinapahalagahan ng Simbahan ang pagsisikap ng pamahalaan na mapabuti ang serbisyo ng kalusugan, ngunit iginiit niya na kaya pa itong palawigin at pagbutihin para sa mga mahihirap.

“Kung titingnan natin, meron pang pwedeng gawin,” aniya. “At itong privatization ng ating mga hospitals, kailangang dapat hindi iilan lang ang mga nag-uusap dito,” dagdag ni Father Cancino.

“Dapat i-consult ang lipunan, mga komunidad, mga may karamdaman, kasi sila ay hindi lang beneficiary pero kaakibat sila doon sa buong health care system natin,” saad ng pari.

- Newsletter -

Taong 2019 nang lagdaan ng dating pangulong Rodrigo Duterte na maging batas ang Universal Health Care na inaasahang magbubunga ng malawakang pagbabago sa public health sector ng bansa.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest