HomeDiocesan ReportsNueva Segovia Archdiocesan Cultural Commission, patuloy ang assessment sa pinsala ng lindol

Nueva Segovia Archdiocesan Cultural Commission, patuloy ang assessment sa pinsala ng lindol

Patuloy ang isinasagawang assessment ng Archdiocese of Nueva Segovia kasunod ng naganap na magnitude 6.4 earthquake noong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Fr. Glenn Ragsag, in-charge ng Nueva Segovia Archdiocesan Cultural Commission, ilang simbahan na ang nakapag-ulat na nagtamo ng pinsala mula sa lindol.

Kabilang rito ang St. John the Baptist Church sa San Juan, Ilocos Sur na tuluyan nang bumagsak ang tuktok ng likurang bahagi ng simbahan na una nang nagkaroon ng bitak noong naganap ang magnitude 7 earthquake noong Hulyo 27 nang kasalukuyang taon.

Gayundin ang Minor Basilica of Saint Nicholas of Tolentino and Shrine of El Santo Cristo Milagroso o Sinait Basilica na nagkaroon ng pagbitak sa ilang bahagi at pagkasira ng mga imahen.

“So far, ‘wala namang iba pang nakapag-report sa akin ng damages sa mga simbahan pero patuloy ‘yung coordination namin sa mga parishes.” ayon kay Fr. Ragsag.

Inihayag naman ni Fr. Jayvie Benzon, Parochial Vicar ng St. Paul Metropolitan Cathedral o Vigan Cathedral na wala namang nadagdag na pinsala sa katedral kasunod ng sakuna.

Magugunitang nagtamo ng malaking pinsala ang harapan ng katedral matapos ang malakas na paglindol noong Hulyo.

- Newsletter -

Dalangin naman ng arkidiyosesis ang patuloy na kaligtasan ng lahat sa banta ng mga pagyanig, gayundin ang pagtutulungan para sa mga biktima.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest