HomeDiocesan ReportsKabayanihan ng limang Bulacan rescuers, kinilala ng Diocese of Malolos

Kabayanihan ng limang Bulacan rescuers, kinilala ng Diocese of Malolos

“Alalahanin mo sa iyong kaharian ang aming limang kapatid na yumao sa pagbubuwis ng kanilang buhay upang sagipin ang mga kababayan naming nasa panganib"

Kinilala ng Diocese of Malolos ang kabayanihan ng limang Bulacan rescuers na nasawi sa kasagsagan ng bagyo nitong Linggo.

“Alalahanin mo sa iyong kaharian ang aming limang kapatid na yumao sa pagbubuwis ng kanilang buhay upang sagipin ang mga kababayan naming nasa panganib noong kasagsagan ng Bagyong Karding,” panalangin ni Father Franz Dizon, parochial Vicar ng Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora dela Asuncion sa Bulacan.

“Pagpalain mo rin po ang kanilang pamilyang naulila, ang kanilang mga nagdadalamhating mahal sa buhay, huwag nawa silang panawan ng pagasa Panginoon kundi sana’y mapuno sila ng pananampalataya sayo at ang kanilang kabayanihan ay maging inspirasyon nila at gayundin naming lahat,” dagdag ng pari.



Iniulat naman ni Father Robert Cross, parish priest ng San Roque Parish sa Baluarte, Gapan Nueva Ecija, na nananatiling hirap sa komunikasyon ang sampung barangay na nasasakupan ng parokya.

Ayon sa pari, bukod sa pagkawala ng kuryente ay sinira rin ng bagyo ang maraming bahay sa mga barangay.

“Pasensya na wala po akong detalye daily, maraming lugar dito ang walang kuryente at hindi pa passable, mobile data lang ang gamit ko at wala ring kuryente, low battery na rin po,” ayon sa pari sa panayam ng Radio Veritas 846.

Sa pinakahuling situation report ng National Disaster Risk Reduction Management Council ay sampung tao na ang nasawi mula sa mga lalawigan ng Bulacan, Zambales, Quezon at Rizal at walong tao pa ang nawawala sa mga lalawigan ng Rizal, Quezon, at Camarines Norte.

- Newsletter -

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest