Pinaalalahanan ni Archbishop Jose Palma ang mga pari ng Archdiocese of Cebu na kaakibat ng pagiging pastol ng Simbahan ang tungkuling pangalagaan ang kawan lalo na ang mga higit naisasantabi sa lipunan.
Ito ang mensahe ng arsobispo sa buwanang pagtitipon ng mga pari ng arkidiyosesis kung saan tinalakay ang pagiging makabagong “Jose” sa kasalukuyang panahon na handang tanggapin ang kalooban ng Panginoon.
“As priests, the image of becoming like Joseph who is trusted with the care of all, with Mama Mary of the holy family of the universal church, but in a very special way, with the care of the little Jesus- the vulnerable, it is a sacred task, and indeed that is who we (priests) are,” ani Archbishop Palma.
Pinagnilayan ng mga pastol ng Simbahan ng Cebu ang temang “Becoming the New Joseph: Guarding the Weak and the Vulnerable” bilang pagpapaigting sa kanilang pagpapastol lalo’t may iba’t ibang usapin na kinasasangkutan ang mga pari ng simbahan.
Matatandaang isa sa isinusulong ni Pope Francis ang paglaban ng Simbahan sa mga pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan.
Umaasa si Archbishop Palma na magiging tapat ang mga pari sa pagpapastol sa kawang ipinagkakatiwala sa kanilang pangangalaga.
“We can only pray that as we thank in Lord for the gift of the priesthood, we may also be able not only to glorify God for this dignity of becoming priests but also that we may be true to our responsibility of taking care of the little ones, the vulnerable,” giit ni Archbishop Palma.
Sa datos ng Simbahan, 612 ang mga pari ng archdiocese na karamihan ay diyosesano habang katuwang ang mga relihiyosop sa pangangasiwa sa 174 na mga parokya sa buong lalawigan.