HomeDiocesan Reports‘Church and state collaboration,’ patatagin ng CBCP at Marcos administration

‘Church and state collaboration,’ patatagin ng CBCP at Marcos administration

Kabilang sa mga tatalakayin sa two-day convention ay ang mga turo ng Simbahan sa ilalim ng Second Plenary Council of the Philippines

Patatagin ng Simbahang Katolika at administrasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kooperasyon, pakikipag-ugnayan, at pagtutulungan para sa “common good” ng mamamayang Pilipino.

Upang maisakatuparan ang “Church and State collaboration” ay itinakda ng Episcopal Commission on Public Affairs ng bishops’ conference, Office of the President, at ng Department of Interior and Local Government ang isang convention.

Nakatakda ang pagtitipon sa ika-19 hanggang ika-20 ng Setyembre 2022 sa Diamond Hotel, Roxas Boulevard, na dadaluhan ng mga opisyal ng pamahalaan at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines bilang pangunahing tagapagsalita at panauhing pandangal.



Pangungunahan ni Bishop Reynaldo Evangelista ng Imus, chairman ng kumisyon, at Father Jerome Secillano, executive secretary ng kumisyon, ang pagbubukas ng pagtitipon.

Kabilang sa mga tatalakayin sa two-day convention ay ang mga turo ng Simbahan sa ilalim ng Second Plenary Council of the Philippines at ang mahalagang papel na ginagampanan ng CBCP Commission on Public Affairs sa mga usaping nagaganap sa lipunan.

Tampok sa unang araw ng pagpupulong si Executive Secretary Victor Rodriguez na tatalakayin ang paksang “The Church and Marcos’ Presidency: Ways to Move Forward.”

Sa ikalawang araw ng pagpupulong ay tatalakayin naman ni Dr. Jose Mario Maximiano ang paksang “Planning and Prioritization in Crisis in the Philippines’ Socio-political context.”

- Newsletter -

Pangungunahan naman ni Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang pagtalakay sa paksang “Church and State Collaboration and Conscientious Engagement in serving the Nation.”

Si Bishop Pablo Virgilio David ng Kalookan, CBCP president, ang mangunguna sa “closing Mass.”

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest