HomeNewsTularan ang pagsasabuhay ng mga bayani sa katotohanan, kalayaan — Bishop Florencio

Tularan ang pagsasabuhay ng mga bayani sa katotohanan, kalayaan — Bishop Florencio

Ang mga nagawa at halimbawa ng buhay ng mga bayani ay hindi lamang inspirasyon sa buhay ng bawat isa kundi maging para sa buhay espiritwal

Ang paggunita sa Araw ng mga Bayani ay hindi lamang patuloy na pagkilala kundi pagbalik-tanaw sa mabuting nagawa ng mga bayani na huwaran at inspirasyon ng mga Filipino.

Ito ang paalala ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa mga Filipino sa paggunita ng Araw ng mga Bayani ngayong taon.

Ayon sa obispo, ang mga nagawa at halimbawa ng buhay ng mga bayani ay hindi lamang inspirasyon sa buhay ng bawat isa kundi maging para sa buhay espiritwal.



Iginiit ni Bishop Florencio na mabuting gawing huwaran ang pagpapahalaga at pagsasabuhay ng mga bayani sa katotohanan, kalayaan, kapayapaan, at dignidad ng buhay.

“Ang mas importante sa araw na ito na paggunita natin ng Araw ng mga Bayani ay ipakita rin natin kung papaano nila isinabuhay ang mga bagay na ito, about the sense of truth, the sense of life, dignity for life, and also the highest commandment, yung pagmamahal,” ayon sa obispo sa panayam sa Radio Veritas 846.

“Ngayong araw na ito, tingnan natin kung ano ang pinahahalagahan natin, ano ba ang mga bagay na ito dahil ito ay magkakaroon ng kabuluhan kung bibigyan natin dahil hindi lang ito dito sa mundo but also the life to come in the other life,” ayon sa obispo.

“Sana ang pagdiriwang ay bigyan natin ng spiritual perspective,” aniya.

- Newsletter -

“Unang-una, bibigyan natin ng halaga ang katotohanan, bigyang halaga ang Panginoon dahil the Lord is the Truth, God is the Truth, binibigyan natin ng halaga ang buhay dahil ang buhay ay nagmula sa Panginoon, at binibigyan natin ng kahalagahan ang pagmamahal mula sa Diyos, kung itong lahat ay tinitingnan natin as the first priority, perspective sa buhay natin then itong pagdiriwang natin ng Araw ng mga Bayani ay makabuluhan,” ayon kay Bishop Florencio.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest