HomeNewsNakakatanda, inaanyayahan sa 'national conference for grandparents and elderly'

Nakakatanda, inaanyayahan sa ‘national conference for grandparents and elderly’

Ang nakatakdang gawain ay bahagi ng paggunita sa "2022 World Day for the Grandparents and the Elderly"

Inaanyayahan ng Catholic Grandparents Association of the Philippines ang lahat na makibahagi sa “2nd Online National Conference for Grandparents and the Elderly” sa ika-24 hanggang ika-26 ng Hulyo 2022.

Ang nakatakdang gawain ay bahagi ng paggunita sa “2022 World Day for the Grandparents and the Elderly” na may tema ngayong taon na “In old age they will still bear fruit”.

Ayon sa Kanyang Kabanalan Francisco, layon nitong higit na buksan ang kamalayan ng bawat isa sa kahalagahan ng mga nakatatanda sa lipunan.



Tampok sa nasabing three-day virtual conference ang pagbabahagi ng mga pagninilay sa kahalagahan ng mga lolo’t lola at mga nakatatanda sa pagpupunla ng pananampalatayang Kristiyano at kanilang papel na ginagampanan sa pamilya at sa lipunan.

Nakatakda ang World Day of Grandparents and the Elderly sa ika-24 ng Hulyo 2022 na Kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana ang Lolo at Lola ni Hesus na patron ng mga lolo, lola at nakatatanda.

Pangungunahan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines president Bishop Pablo Virgilio David ang pagsisimula ng gawain.

Unang inilaan ng Santo Papa Francisco para sa mga matatanda na nagsisilbi bilang mga guro ng kabutihan sa lipunan ang kanyang pangunahing intensyon sa pananalangin sa buong buwan ng Hulyo.

- Newsletter -

Ayon kay Pope Francis, malaki ang ambag ng mga lolo, lola at mga nakatatanda sa buhay ng bawat isa kaya naaangkop lamang ang pagkilala at pagbibigay halaga sa kanila.

Paliwanag ni Pope Francis bahagi ng tungkulin ng kasalukuyang henerasyon ang imulat ang kamalayan ng mga kabataan sa pangangalaga sa mga nakatatanda na hindi ituring na pabigat sa halip ay mahalagang bahagi at sandigan ng buhay na nagtataglay ng mga karanasan at karunungan.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest