HomeNewsPagsisimula ng ‘face to face’ classes, sinang-ayunan ng obispo

Pagsisimula ng ‘face to face’ classes, sinang-ayunan ng obispo

“Welcome gift, welcome announcement yung sinabi nila,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Mangalinao

Kinilala ng Episcopal Commision on Catechesis and Catholic Education ang layunin ng Department of Education na maipatupad sa lahat ng paaralan sa buong Pilipinas ang “face to face” classes.

Ayon kay Bishop Elmer Mangalinao, chairman ng CBCP-ECCCE, kasiyahan ang idudulot ng pahayag para sa mga mamamayan, magulang, guro at mag-aaral na nais makabalik sa pisikal na pagdalo sa mga paaralan.

“Sa panukala ng DepEd na magbukas na sa susunod na panturuang taon 2022-2023 na face to face ay napakalaking kasiyahan sa maraming tao ang ganito kaalaman, sapagkat ito ang hinihintay ng marami na magkakaroon na tayo ng face to face schooling ng ating mag-aaral,” ayon sa obispo.



“Welcome gift, welcome announcement yung sinabi nila,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Mangalinao.

Ipinapaalala naman ng obispo sa mga paaralan na ipatupad pa rin ng mahigpit ang health protocols upang matiyak na ligtas ang mga guro, mag-aaral at kawani ng paaralan mula sa banta ng COVID-19.

Hinimok muli ng obispo ang mga magulang at guardians na makikiisa at pabakunahan ang kanilang mga inaalagaang estudyante.

“Isa siguro na napakamagandang magagawa yung talang himukin ang mga bata sa pamamagitan ng pagpayag ng mga magulang na sila ay mabakunahan, kapag ang mga bata ay may bakuna mas malaking porsyento na sila ay hindi matamaan o mahawaan ng mga virus na ito kasi everything is in already in place in most of our schools so we just need to ensure that students will be as healthy as they should,” ayon pa kay Bishop Mangalinao.

- Newsletter -

Batay sa pinakahuling ulat ni Education Secretary Leonor Briones, 34,000 mga public school at higit sa 1,100 private schools noong May 26 ang nagdaraos na ng face-to-face classes.

Base rin sa datos ng DepEd noong Mayo ay 73.28 percent na ng mga paaralan sa parehong pribado at pampublikong sektor ang handa ng magdaos ng face-to-face classes.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest