HomeDiocesan Reports‘Youth discernment’ para sa halalan, isasagawa sa Davao

‘Youth discernment’ para sa halalan, isasagawa sa Davao

Dapat mabigyan ng sapat na kaalaman ang kabataan sa kahalagahan ng wastong pagpili ng mga pinuno na magtataguyod sa kabutihan ng nakararami

Naniniwala si Archbishop Romulo Valles ng Davao na malaki ang tungkuling gagampanan ng mga kabataan sa nalalapit na 2022 national and local elections sa Mayo.

Ayon sa arsobispo, dapat mabigyan ng sapat na kaalaman ang kabataan sa kahalagahan ng wastong pagpili ng mga pinuno na magtataguyod sa kabutihan ng nakararami.

“The youth will play a significant role in the upcoming national and local elections,” aniya.



“Therefore, it is right and just that they must be provided adequate guidance and formation,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Valles.

Magkakaroon ng Youth Circles Discernment ang arkidiyosesis sa pangunguna ng Davao Archdiocesan Youth Coordinating Apostolate upang paigtingin ang kamalayan ng kabataan sa tamang pagboto.

Nauna nang sumailalim sa pagsasanay ang Ad Hoc Committee ng grupo para maging gabay sa iba’t ibang youth groups sa mga parokya at mapabilis ang pagpapatupad ng programa bago ang nakatakdang halalan sa Mayo 9.

Katuwang ng DAYCA ang Davao Archdiocesan Political Education Committee sa pagpapatupad ng programa kasama ang Davao Association of Catholic Schools.

- Newsletter -

Hiling din ni Archbishop Valles sa mamamayan ang patuloy na pananalangin para sa ikatatagumpay ng programa.

“I ask for your blessing and assistance in conducting Youth Circles of Discernment in your parishes, GKKs, and other youth organizations,” dagdag ng arsobispo.

Sa datos ng Commission on Elections, halos 60 porsyento sa mga botante ay mula sa sektor ng kabataan.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest