HomeDiocesan ReportsCaritas Manila, naghahanap ng mga volunteer

Caritas Manila, naghahanap ng mga volunteer

Maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Caritas Manila ang mga nais maging miyembro ng ISLaS Volunteers

Patuloy na naghahanap ang Caritas Manila ng mga nais maging volunteer at maging lingkod ng social arm ng Archdiocese of Manila.

Sa panayam ng programang Caritas in Action, sinabi ni Ms. Armielyn Sta. Maria, formation coordinator ng Caritas Manila Institute of Servant Leadership and Stewardship o Caritas Manila-ISLaS, na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga gustong maging kabahagi ng pagtulong sa mga mahihirap at nangangailangan.

Kasabay ng pagpapatupad ng alert level 1 sa Metro Manila, mas naging aktibo ang Caritas Manila-ISLaS sa mga “on grounds activity” na nangangailangan ng mga indibidwal na nagnanais makapaglingkod ng walang hinihintay na anumang kapalit.



Sinabi ni Sta. Maria na maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Caritas Manila ang mga nais maging miyembro ng ISLaS Volunteers.

“Pagkakataon na po natin ito…. Kami po ay bukas para sa mga kapanalig na gustong magbigay ng paglilingkod,” pahayag ni Sta. Maria.

Kahit anong edad at katayuan sa buhay ay maaari maging volunteer ng Caritas Manila.

“As long as kayang magbigay ng serbisyo, sa ngayon yung mga Senior [Citizen] nilalagay natin sa council of Elders, si Caritas Manila po walang tinatanggihan kung gustong maglingkod, sila ay merong papalooban na programa para sila ay makatulong pa sa mas nakakarami,” pahayag ni Sta.Maria

- Newsletter -

Nagpapasalamat naman ang Caritas Manila sa may 2,500 volunteers nito sa Arkidiyosesis ng Maynila na hindi matatawaran ang pagseserbisyo para sa mga mahihirap lalo na sa kasagsagan ng mga quarantine restriction dahil sa COVID-19.

Magugunitang sa kabila ng pandemya ay naging aktibo ang Caritas Manila sa pamamahagi ng ayuda katuwang ang ilang mga pribadong sektor.

Taong 2020, nang maipamigay sa pamamagitan ng Oplan Ugnayan ng Caritas Manila at private sector ang may mahigit isang bilyong pisong halaga ng gift certificates sa National Capital Region at mga karatig lalawigan para sa mga mahihirap na naapektuhan ng nationwide lockdown sa pangunguna ng volunteers.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest