HomeDiocesan ReportsDiocese ng Surigao, nananawagan ng tulong para sa mga nasira ng bagyo

Diocese ng Surigao, nananawagan ng tulong para sa mga nasira ng bagyo

Nagtutulungan ngayon ang iba’t-ibang diyosesis sa Pilipinas para makapagbahagi ng ayuda sa mga nasalantang diyosesis

Patuloy na nananawagan ng tulong para sa mga nasira ng super typhoon Odette (Rai) ang Diocese of Surigao sa Mindanao.

Ayon kay Father Denish Ilogon, social action director, tuloy-tuloy naman ang pagdating ng tulong sa lalawigan na pinaka-nasalanta ng bagyo.

“Busy pa rin tayo sa pamimigay ng relief goods sa mga lugar kasi marami pa ang nagdatingan na galing sa iba-ibang diyosesis,” ayon sa parin sa panayam sa Radio Veritas 846.




Aniya, nanatili na suliranin ng lugar ang pagkukumpuni ng mga nasirang bahay ng mga apektadong pamilya.

Umaasa ang pari na sa lalong madaling panahon ay makatutulong na rin ang diocese sa shelter assistance at rehabilitation.

“Humihingi na ng tulong ang mga tao para sa bahay nila kasi lagi din naulan dito,” ayon kay Father Ilogon.

“Sabi ko hopefully baka may mga dumating din ibabahagi din naman agad para makatulong sa mga bahay nila,” aniya.

- Newsletter -

“Tinitignan namin yun mga totally damaged … para malaman natin ano ang kailangan nilang tulong for early recovery,” dagdag ng pari.

Batay sa initial assessment na isinagawa ng Caritas Philippines, nasa mahigit 60,000 na pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa Surigao Del Norte at Dinagat Island.

Nagtutulungan ngayon ang iba’t-ibang diyosesis sa Pilipinas para makapagbahagi ng ayuda sa mga nasalantang diyosesis sa Visayas at Mindanao.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest