HomeDiocesan ReportsDiocese of Maasin, umaapela ng tulong para sa mga biktima ng bagyo

Diocese of Maasin, umaapela ng tulong para sa mga biktima ng bagyo

Ilan sa mga biktima ay binigyan na ng paunang tulong ng mga parokya tulad ng relief goods at pagkain

Umapela ng tulong ang Diocese of Maasin sa Southern Leyte para sa kanilang mga mamamayan na naapektuhan ng tropical storm “Dante.”

“May mga nasira sa bahay-bahay, kailangan nila ng mga building material, madami rin sila mga nasa around a hundred,” sabi ni Father Harlem Gozo, social action director ng Diocese of Maasin, sa panayam ng Radio Veritas 846.

Nasa halos 100 bahay ang nasira ng bagyong “Dante” sa lalawigan dahilan para mawalan ng maayos na tirahan ang mga residente.




“Magbigay na lang muna kami dito kahit kahoy lang pero sana makapagbigay din tayo para kahit para sa pako o pambubong nila,” ayong kay Father Gozo.

Ayon kay Father Gozo, ilan sa mga biktima ay binigyan na ng paunang tulong ng mga parokya tulad ng relief goods at pagkain, ngunit ang higit na suliranin ay ang pagpapatayo muli ng mga bahay.

Sa isinagawang assessment ng Diocesan Social Action Center ng Maasin, apat na parokya sa Maasin City ang may pinakamaraming naapektuhan ng pagbaha at pagbitak ng lupa.

Ilan sa mga nasabing parokya ang tumanggap din ng evacuees sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.

- Newsletter -

Ang parokya ng Our Lady of the Assumption sa Tunga-Tunga, Maasin City, ang may pinakamaraming naapektuhan na residente.

Sa ngayon ay patuloy na nagiging abala ang mga apektadong residente upang maglinis ng kanilang mga nasirang bahay at makahanap ng mga patuloy pang mapapakinabangan.

Magugunitang aktibo na nagsasagawa ng rapid assessment ang mga Social Action Center o Caritas office ng bawat diyosesis tuwing may mararanasang kalamidad sa kanilang mga lalawigan.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest