Manindigan para sa katotohanan at katarungan.
Ito ang panawagan ni Monsignor Noel Pedregosa, diocesan administrator sa Diocese of Malaybalay, sa sinuman na mayroong nalalaman kaugnay sa pagpaslang kay Father Rene Regalado noong January 24.
Ayon kay Monsignor Pedregosa, sa pamamagitan lamang ng paglabas ng katotohanan makakamit ang katarungan sa sinapit na karahasan ni Father Regalado na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang salarin.
Giit ni Monsignor Pedregosa, ang paninindigan para sa katotohanan ay paninindigan sa pangakong kaligtasan ng Panginoon para sa bawat isa.
“The truth will set you free, meaning to say we can only be truly secure, we can only be truly free if when we stand for the truth,” aniya.
“I am challenging people of good conscience, please come out in the name of truth, in the name of justice, in the name of God, please come out likewise please stand for the truth, please stand for justice, please stand for heaven, please stand for God,” dagdag ni Monsignor Pedregosa.
Nauna ng kinondina ng diyosesis ang karahasang sinapit ng 42-taong gulang na pari na natagpuang patay sa labas ng St. John the XXIII College Seminary noong January 24.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Philippine National Police sa insidente upang matukoy ang dahilan at kung sino man ang responsable sa pagpaslang sa pari.