HomeDiocesan ReportsObispo sa mananampalataya, tularan ang Birheng Maria

Obispo sa mananampalataya, tularan ang Birheng Maria

Ang Mahal na Ina ang maituturing na unang disipulo ng Panginoon

Inaanyayahan ni Bishop Dennis Villarojo ng Malolos ang mananampalataya na tularan ang Mahal na Birheng Maria na buong pusong sumunod sa kalooban ng Panginoon.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng obispo sa isinagawang pagpuputong ng korona sa Nuestra Señora delas Flores de Bocaue na ginanap sa St. Martin of Tours Parish said Bocaue, Bulacan, nitong Nobyembre 21.

Ayon kay Bishop Villarojo, ang Mahal na Ina ang maituturing na unang disipulo ng Panginoon sapagkat ito ang kauna-unahang tumugon sa paanyayang magdalangtao sa Tagapagligtas ng sangkatauhan.




“Ating kinikilala si Maria bilang unang disipulo, ang unang alagad sapagkat siya ay bukas-puso, bukas-isip, at bukas-palad,” ayon sa obispo.

“Nawa’y tayo rin ay maging alagad ng ating Panginoon tulad ng Mahal na Ina,” dagdag ni Bishop Villarojo.

Nagagalak ang obispo sapagkat ipinapamalas pa rin ng mga Filipino ang tunay na debosyon sa Mahal na Ina.

Aniya, bukod sa pagiging bukas ang isipan at bukas ang puso sa paghuhubog ng mga Salita ng Diyos ay higit na mahalaga ang pagiging bukas palad sa paglingap sa kapwa.

- Newsletter -

Pinaalalahanan ng obispo ng Malolos ang mamamayan na magtulungan at magkaisa sa paglingap lalo na sa mga nabiktima ng kalamidad kamakailan.

Matatandaang 1984 nang italaga ni Padre Miguel Paez ang debosyon sa Nuestra Señora delas FLores ng Bocaue na kalaunan ay lumawak ang debosyon.

Bahagyang nahinto ang debosyon sa Mahal na Ina ng Bocaue ng mahigit isang dekada subalit muli itong inilunsad noong Mayo 1, 2014, sa pagsisimula ng Flores de Mayo kasabay ng pagbuhay sa tradisyon tulad ng kilalang fluvial procession ng “Mahal na Krus ng Wawa.”

Ulat ng Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest