HomeDiocesan ReportsDiocese ng Gumaca, humiling ng tulong, panalangin

Diocese ng Gumaca, humiling ng tulong, panalangin

Nagdulot ng matinding pag-ulan ang bagyo na naging dahilan ng pagbaha at pag-apaw ng mga ilog sa lalawigan ng Quezon

Humiling ng panalangin at tulong ang Simbahan sa lalawigan ng Quezon matapos manalasa ang Bagyong Pepito.

Ayon kay Father Rinaldi Sayson, social action director sa Gumaca, nagdulot ng matinding pag-ulan ang bagyo na naging dahilan ng pagbaha at pag-apaw ng mga ilog.

Apektado ng matinding pagbaha ang anim na bayan na sakop ng 12 parokya. Ang ilan dito’y nakapagtala ng pagguho ng lupa.




Batay sa ulat, aabot sa mahigit 2,700 ang mga inilikas na pamilya na kasalukuyang nasa mga evacuation center, barangay hall, at paaralan.

Isang dalagita ang nasawi matapos malunod sa bayan ng San Francisco dahil sa matinding pagbaha. Maraming kabuhayan naman ang nasira dahil sa pagtaas ng tubig na nakaapekto sa mga magsasaka at mangingisda.

Dagdag naman ni Father Bryan Cabrera, social action director ng Lucena, patuloy ang pag-uulan sa kanilang kinasasakupan habang naitala rin ang pagbaha sa ilang lugar.

Ayon sa pari, aabot sa tatlong libong pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyo na tinutulungan ng diyosesis.

- Newsletter -

Nanawagan naman ang mga diyosesis sa pamahalaan at mga Simbahan na patuloy na magpaabot ng tulong para sa mga apektadong pamilya na nawalan rin ng kabuhayan.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Pepito ngayong araw ng Huwebes, Oktubre 22.

Mula sa ulat ng Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest