HomeNewsTularan ang ‘millenial saint,’ panawagan sa kabataan

Tularan ang ‘millenial saint,’ panawagan sa kabataan

Si Venerable Carlo ay sumisimbolo ng pag-asa na ang Panginoon ay nanatili sa bawat isa, lalo na sa matitinding hamong kinakaharap sa buhay

Hinimok ng Episcopal Commission on Youth ang mananampalatay, lalo na ang kabataan na tularan ang gawi ni Venerable Carlo Acutis.

Ayon kay Daet Bishop Rex Andrew Alarcon, chairman ng Epicopal Commission on Youth, na napakagandang halimbawa ang tinuran ni Blessed Carlo noong nabubuhay pa.

“Blessed Carlo’s project of life was to be close to Jesus. This is also our project. Because in Jesus we find a friend who understands us, makes sacrifices for us, offers his life for us,” ayon sa obispo.




Inihayag ng obispo na si Venerable Carlo ay sumisimbolo ng pag-asa na ang Panginoon ay nanatili sa bawat isa, lalo na sa matitinding hamong kinakaharap sa buhay.

Matatandaang bago pumanaw ang santo noong Oktubre 12, 2006, dahil sa leukemia ay inialay nito ang mga paghihirap para sa Diyos, sa Santo Papa, at sa Simbahang Katolika.

Dahil dito, sinabi ni Bishop Alarcon na si Venerable Carlo ay paalala sa lahat na si Hesus ay nananahan sa bawat isa at sa Eukaristiya.

“Blessed Carlo invites us to realize that Jesus is near. He is in Church, in the Eucharist. We do not need to go to Jerusalem, as in the past to find Jesus. He is in the Eucharist. In this friend, Jesus, we shall experience joy and fullness of life,” dagdag ng obispo.

- Newsletter -

Si Venerable Carlo ay kilala sa pagginamit ng talento sa teknolohiya upang ipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Kaugnay dito, hamon ni Bishop Alarcon sa kabataan na gawing huwaran si Blessed Carlo na ginamit ang talento sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

“This is a call for you, young people to, first, recognize that you are unique and that you are loved by God in your uniqueness. Let us discover the unique talents, gifts, abilities God has gifted us and use them for the greater good, and for the good of others,” ayon kay Bishop Alarcon.

Tulad ni Venerable Carlo, umaasa si Bishop Alarcon na tuklasain din ng bawat kabataan ang buhay sa pamamagitan ng pakikipagkapwa tao at pakikipagbuklod sa pamayanan upang matamo ang pagkakaisa at kapayapaan.

Hulyo 2019 nang ideklara ni Pope Francis si Acutis bilang Venerable habang itinakda naman sa Oktubre 10 ang kanyang beatification.

Mula sa ulat ng Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest