HomeDiocesan ReportsKapistahan ng 'Our Lady of Peñafrancia' gaganapin sa Maynila

Kapistahan ng ‘Our Lady of Peñafrancia’ gaganapin sa Maynila

Sa unang pagkakataon isasagawa sa Metro Manila ang “Pagsungko” sa Peñafrancia festival sa Bicol region, ngunit gagawin itong motorcade

Inaanyayahan ng Most Holy Trinity Parish sa Balic Balic, Sampaloc, Manila, ang mananampalataya na makiisa sa kauna-unahang pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia ngayong Setyembre.

Sa unang pagkakataon isasagawa sa Metro Manila ang “Pagsungko” sa Peñafrancia festival sa Bicol region, ngunit gagawin itong motorcade.

Inatasan ni Father Eric Adoviso, kura paroko ng Most Holy Trinity, si Father Joebert Fernandez na pangunahan ang paghahanda sa pagdiriwang bilang paraan ng Simbahan ng paghingi ng tulong sa Mahal na Birhen ng Peñafrancia na mawakasan na ang coronavirus pandemic.




Isinalaysay ni Father Fernandez sa panayam sa Radio Veritas ang ambag ng Mahal na Birhen upang pigilan ang epekto ng epidemya ng kolera noong ika-17 siglo.

Pangungunahan ng grupo ng mga Bicolanong pari at seminarista ang gawain.

Sa ika-11 ng Setyembre ay magsisimula ang siyam na araw na nobenaryo na magtatapos sa ika-19 ng buwan.

Tiniyak ni Father Fernandez na ang “Pagsungko” ay hindi lamang basta motorcade kundi nakaugat sa pananalangin sa Diyos sa tulong ng Mahal na Ina ng Peñafrancia at babaunin ng bawat dadalo at makiisa hanggang sa pag-uwi sa kanilang mga tahanan.

- Newsletter -

“Nililinaw namin na ang prusisyon ay hindi lang paglalakad-lakad, kundi ang prusisyon ay prayerful going with the Blessed Virgin; ‘yung mga nasa loob ng sasakyan o ‘yung mga magmomotor ay makiisa sa panalangin at babalik sila sa kanilang tahanan baon ang mga gawi ni Mama Mary,” dagdag ng pari.

Sa pag-ikot ng motorcade ng Ina ng Peñafrancia, hinimok ni Father Fernandez ang mananampalataya na magsindi ng kandila sa pagdaan ng prusisyon.

Mahigpit na tagubilin naman ng Simbahan ang safety health protocol tulad ng pagsusuot ng facemask, face shield, at physical distancing bilang pag-iingat sa nakahahawang sakit.

“Kahit na humihingi tayo ng tulong ni Mama Mary na matapos na ang pandemic, gawin din natin yung dapat nating gawing pag-iingat,” giit ng pari.

Ang kauna-unahang “Pagsungko” ay gaganapin sa ika-19 ng Setyembre mula ala-una hanggang alas singko ng hapon at iikot sa paligid ng Sampaloc, Manila, kasabay ang pagdarasal ng Santo Rosaryo.

Mula sa ulat ng Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest