HomeDiocesan ReportsApostolic Vicariate ng Calapan, nagluluksa

Apostolic Vicariate ng Calapan, nagluluksa

Ipinagluluksa ng Apostolic Vicariate ng Calapan ang pagkamatay ni Father Pedro Pastrana Jr. SVD, kura paroko ng Sta. Catalina de Alexandria Parish sa Mansalay, Oriental Mindoro.

Ayon sa opisyal na pahayag ng Apostolic Vicariate of Calapan, malaking kawalan ang pagkamatay ni Father Pastrana na isang tapat at matiyagang lingkod ng Simbahan na nagbabahagi ng Salita ng Diyos.




Umaapela rin ang Apostolic Vicariate of Calapan sa mga mananampalataya at maging sa mga mamamahayag na bigyang paggalang at hayaan ang Simbahan at ang pamilya ng namayapang pari na ipagluksa ang pagkamatay ni Father Pastrana.

Ang 49-na taong gulang na pari ay natagpuang wala ng buhay pasado alas-sais ng umaga noong ika-29 ng Agosto.

Hinikayat naman ng pamunuan ng parokyang pinaglilingkuran ni Father Pastrana na ipanalangin na lamang ang kaluluwa ng pari sa halip na maniwala sa mga haka-haka at mga maling impormasyon kaugnay sa tunay na naganap sa pagkamatay ng pari.

Mula sa ulat ng Veritas 846

- Newsletter -

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest