HomeDiocesan ReportsCaritas nangako ng tulong sa mga apektado ng lindol sa Masbate

Caritas nangako ng tulong sa mga apektado ng lindol sa Masbate

Tiniyak ng Caritas, ang social action arm ng Simbahang Katolika, ang tulong sa mga naapektuhan ng lindol na yumanig sa Masbate umaga noong Agosto 18.

Ayon kay Bishop Jose Colin Bagaforo, national director ng Caritas, nakikipag-ugnayan na ang kanyang opisina sa Social Action Center ng Diocese of Masbate.

Sinabi ng obispo na nakaantabay lamang ang Caritas sa ulat ng diyosesis, partikular ang pangangailangan ng mga nawalan ng tahanan at mga nangangailangan ng pansamantalang matutuluyan.




“We are in solidarity with the people of Masbate,” ayon sa obispo sa panayam sa Radio Veritas 846. “We know how it is to experience an earthquake,” dagdag niya.

Hinimok ng obispo ang bawat isa na magtulungan at manatiling kalmado sa kabila ng patuloy na “aftershocks” na nararamdaman sa lalawigan.

Nagpaabot naman ng pakikiisa at panalangin si Archbishop John Du ng Palo sa mamamayan ng Masbate.

Nagpapasalamat si Archbishop Du na bagamat naramdaman ang pagyanig sa Palo, Leyte, ay walang naitalang pinsala sa lalawigan.

- Newsletter -

Nagpahayag din ng pag-alala ang Social Action Center ng Diocese of Legazpi sa mamamayan ng Masbate na napinsala ng lindol.

Inihayag ni Father Rex Paul Arjona, director ng Social Action Center ng Diocese of Legazpi, na nakaantabay sila upang maghatid ng tulong sa mga biktima ng lindol.

“Medyo worried tayo sa nangyari sa kanila, medyo madami ang damages,” ayon sa pari.

“Inaantay natin ang information mula sa Caritas Masbate upang makatulong tayo sa pangangailangan nila,” dagdag ni Father Arjona.

Mula sa ulat ng Radio Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest