HomeDiocesan ReportsImahe ng Our Lady of Mt. Carmel sa Diocese of Cubao, kinoronahan

Imahe ng Our Lady of Mt. Carmel sa Diocese of Cubao, kinoronahan

Kinoronahan ni Bishop Honesto Ongtioco ng Cubao ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa National Shrine of Mount Carmel sa Quezon City noong ika-15 ng Agosto.

Ginawa ang seremonya matapos igawad ng Santo Papa sa pamamagitan na rin ng Congregation of the Divine Worship and Discipline of the Sacraments ang “Coronacion Canonica” sa nasabing imahe.

Sa pagninilay ni Bishop Ongtioco, binigyang diin niya na ang koronasyon ay pagsasabuhay at pagsasariwa ng mga mananampalataya sa pagluluklok ng Diyos Ama sa mahal na Birheng Maria bilang reyna ng langit ay lupa.




“Indeed, she was destined to become the Mother of the Redeemer. She was chosen to be the closest associate of Jesus in his work of redemption…. The Lord wants Mary to reign with Him in heaven forever. The woman who called herself handmade of the Lord is now exalted far above the cherubim and she is enthroned as Queen of Heaven and Earth,” ayon sa obispo.

Ipinaliwanag naman ng obispo na sa kabila ng pagkakaluklok kay Maria bilang reyna ay hindi nito nakalilimutan ang kanyang mga anak at patuloy na nakikiisa sa bawat mananampalataya sa anumang hirap at pagsubok na pinagdaraanan lalo na sa panahon ng pandemya.

“Although she is enthroned as queen she remains to be our mother…. Therefore, to her we entrust our difficult time. We know that from her heavenly thrown she continues to turn her eyes of mercy towards us and she shows to us the blessed fruit of her womb, Jesus our king,” dagdag ng obispo.

Labis naman ang pasasalamat ni Father Joey Mabborang, rector ng Minor Basilica at National Shrine of Our Lady of Mount Carmel sa lahat ng mga tumulong upang maging matagumpay ang “coronacion” sa mahal na birhen.

- Newsletter -

“It is with humble heart that I express my deepest gratitude for sharing your time, talent, resources and generosity for the benefit and ultimate success of all the projects and endeavors and visions,” ayon sa pari.

Taong 1954 nang maitatag ang simbahan ng Mount Carmel kasabay ang pagdating ng Order of Discalced Carmelites sa Archdiocese of Manila.

Noong 1975 naideklara ito bilang parokya sa ilalim ng kauna-unahang kura paroko sa lugar na si Father Paul O’Sullivan.

Disyembre naman noong 2015 nang maideklara ito bilang isang National Shrine, at Nobyembre noong 2018 nang maging isa itong Minor Basilica.

Mula sa ulat ng Radio Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest