HomeDiocesan ReportsBawal maligo sa dagat sa fiesta ni San Juan sa Kalibo, Aklan

Bawal maligo sa dagat sa fiesta ni San Juan sa Kalibo, Aklan

Bawal maligo sa dagat ang mga residente ng magkaratig na bayan ng Numancia at Kalibo sa probinsya ng Aklan sa darating na Hunyo 24, kapistahan ni San Juan Bautista.

Naging tradisyon na ng mga residente sa mga nasabing bayan ang pagpunta sa dagat upang maligo tuwing fiesta ni San Juan, na siyang patron ng bayan ng Kalibo.

Sa inilabas na advisories ng mga lokal na pamahalaan, sinabi na ang lalawigan ng Aklan ay nasa ilalim pa rin ng “modified general community quarantine” at bahagi nito ang pagbabawal sa “mass gatherings.”




Ang mahuhuling maligo sa dagat sa nasabing araw ay papatawan ng parusa.

Ayon naman sa Simbahan ng Kalibo, magkakaroon ng “recorida” sa bawat barangay ng bayan sa Hunyo 23 bilang paghahanda sa fiesta.

Sa bayan ng New Washington, sinabi ni Father Michael Ibardolasa ng Our Lady of the Rosary Parish na magkakaroon sila ng Misa upang ipagdiwang ang kapistahan ni San Juan.

Wala pang ipinapalabas na advisory ang lokal na pamahalaan ng New Washington na isa ring paboritong puntahan ng mga residente tuwing fiesta.

- Newsletter -

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest