Home Commentary Iwaksi ang pagiging ‘self-righteous,’ mensahe ni Cardinal Tagle para sa Adbiyento

    Iwaksi ang pagiging ‘self-righteous,’ mensahe ni Cardinal Tagle para sa Adbiyento

    Ibinahagi ng cardinal na mahalagang pairalin ang pasensya hanggang sa pakikitungo at relasyon sa kapwa tao

    Ang panahon ng Adbiyento ay isang pagkakataon upang pagnilayan ng bawat isa ang kaligayahang dulot ng matiyagang paghihintay sa pagdating ni Hesus sa daigdig.

    Ito ang bahagi ng pagninilay ng Kanyang Kabunyian Cardinal Luis Antonio Tagle sa banal na misa para sa ikatlong linggo sa panahon ng Adbiyento mula sa Our Lady of Peace and Good Voyage Chapel sa Pontificio Collegio Filippino sa Roma.

    Ayon sa cardinal, pambihirang kaligayahan ang bunga ng makabuluhang paghihintay at paghahanda ng mga Kristiyanong Katoliko sa Pasko o pagsilang ng Anak ng Diyos na si Hesus.



    “Let us reflect on the joy that comes from patiently waiting. When we wait there is an aspect of joy, you know when you’re waiting for someone you like, or you’re waiting for the fulfillment of a promise but after a certain period when the waiting gets long we become impatient,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

    Ibinahagi ng cardinal na mahalaga ring pairalin ang naturang pasensya hanggang sa pakikitungo at relasyon sa kapwa tao.

    Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na dapat magsilbing gabay at huwaran ng lahat sa pakikitungo sa kapwa ang pambihirang pasensya at pag-unawa ng Panginoon sa bawat isa na nakaugat sa kanyang habag, awa at pagmamahal sa sangkatauhan.

    “Be patient with one another do not complain about one another. This is significant during advent; we remember how God has been patient with us,” aniya.

    “We should not forget that if the Lord has been patient with us, if the Lord has not given up on us, if the Lord continues to hope for our conversion, our reform then how come we are impatient with others. The patience of God towards us is rooted in His mercy,” dagdag ng cardinal.

    Kanyang iginiit na maituturing na miserable at “self-righteous” ang mga taong walang pasensya sa kapwa na tuwinang naghahanap ng mali at hindi nakikita ang kanilang mga kahinaan at pagkakamali bilang isang indibidwal.

    “Usually those who are impatient with others forget that they have faults, they are self-righteous and they make themselves the norm the model that everyone should imitate but when you are impatient with other people you don’t have joy, you see only things to criticized and that is a miserable condition to see only things to criticized and not things that you can rejoice,” ayon pa sa cardinal.

    Partikular namang ipinapanalangin ni Cardinal Tagle ang mga kabataan na magkaroon ng pasensya at tiyaga sa paghihintay sa kabila ng kasalukuyang modernong panahon na mabilisan na lamang makuha, mabili o mahanap ang iba’t ibang materyal na naisin sa buhay.

    Exit mobile version