Home Diocesan Reports Sapat na sahod ng mga manggagawa, giit ng church, workers’ group

Sapat na sahod ng mga manggagawa, giit ng church, workers’ group

“Attacks on the economic rights of the poor continue as Filipino workers suffer from depleted income brought about by rising cost of living"

Nakiisa ang Churchpeople Workers Solidarity (CWS) sa paggunita ng 74th International Human Rights Day nitong December 10.

Ayon kay CWS chairperson Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos, napapanahon ang tema ng paggunita ng International Human Rights Day ngayong taon na “Dignity, Freedom, and Justice for All” na isang panawagan upang higit na bigyang paggalang ang dignidad, kalayaan at mga karapatan ng mga Filipino.

Kabilang sa tinukoy ng obispo ang kawalan ng katarungan lalo na sa mga manggagawa.



“Attacks on the economic rights of the poor continue as Filipino workers suffer from depleted income brought about by rising cost of living,” ayon sa obispo.

“Real wages continue to deteriorate in the midst of unabated skyrocketing prices of food items and other basic commodities,” dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Dismayado rin ang obispo sa tila kawalan ng interes ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tugunan ang paghihirap ng mamamayan na nangangailangan ng agarang pagtugon sa pamamagitan ng umento sa sahod at tulong pinansyal.

Binigyang diin din ni Bishop Alminaza ang paniniil sa civil and political liberties ng publiko kung saan nananatili ang laganap na red-tagging laban laban sa mga kritiko ng pamahalaan.

“Aside from economic rights, civil and political liberties also remain under attack by the Marcos-Duterte administration,” aniya.

“Red-tagging and attacks and harassment against union leaders and members remain unabated and sanctioned by the State through the Anti-Terror Law and the NTF-ELCAC,” pagbabahagi ni Bshop Alminaza.

Paliwanag ng obispo, higit na mahalaga sa ngayon ang paninindigan ng bawat isa upang ipaglaban ang karapatan ng bawat mamamayan lalo na ang mga walang boses na kabilang sa maliliit na sektor sa lipunan.

“Now more than ever, we must take on the responsibility of forcing the powerful to take notice of the plight of the ‘invisible,’ by lending our voices and efforts to uplift the lives of the marginalized,” aniya.

Exit mobile version