Home Diocesan Reports Cardinal Advincula, dadalo sa consistory sa Vatican

Cardinal Advincula, dadalo sa consistory sa Vatican

Makipagpulong ang Santo Papa sa lahat ng cardinal upang pagnilayan ang Apostolic Constitution “Praedicate Evangelium”

Dadalo si Cardinal Jose Advincula ng Manila sa gaganaping Consistory sa Vatican sa August 27.

Matatandaang inanunsyo ni Pope Francis ang pagtalaga ng mga bagong cardinal na maging kinatawan ng Simbahan sa buong mundo sa paghahayag ng misyon na dalhin si Hesus sa bawat pamayanan sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw, paniniwala at tradisyong kinagisnan.

Bukod dito makipagpulong din ang Santo Papa sa lahat ng cardinal upang pagnilayan ang Apostolic Constitution “Praedicate Evangelium” o ang mga pagbabago sa Roman Curia.



May 21 na bagong cardinal ang itatalaga ni Pope Francis, kung saan 16 rito ay kabilang sa voting cardinals; apat ang non-voting dahil sa edad na 80 taong gulang; habang tumanggi naman na maging cardinal si Gent Bishop Emeritus Lucas Van Looy ng Belgium.

Kasunod ng consistory mayroon nang 229 Cardinal ang simbahan; 131 ang electors kasama sina Cardinal Advincula at Cardinal Luis Antonio Tagle habang 98 naman ang non-electors kabilang sina Cardinal Gaudencio Rosales at Cardinal Orlando Quevedo.

Exit mobile version