Home Church & Asia Pagtanggap ng pamahalaan ng Pilipinas sa Ukrainian refugees, pinuri ng opisyal ng...

Pagtanggap ng pamahalaan ng Pilipinas sa Ukrainian refugees, pinuri ng opisyal ng CBCP

Isang mabuting balita ang pagnanais ng Pilipinas na tanggapin ang mga nagsilikas sa Ukraine

Pinuri ng isang opisyal ng Catholics Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paghahanda ng pamahalaan sa pagtanggap ng mga Ukrainian Refugees.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos ng Balanga, vice chairman ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, isang mabuting balita ang pagnanais ng Pilipinas na tanggapin ang mga nagsilikas sa Ukraine.

“That is good news to our humanity,” aniya. “We have done that before and we did it successfully and fruitfully. We have welcome the so called boat people, those who fled the Indochina wars, in Morong Bataan,” ayon sa mensaheng ipinadala ng obispo sa Radio Veritas.




Nauna ng nagpahayag si Justice Secretary Menardo Guevarra na bukas ang Pilipinas para sa mga Ukrainian refugees.

Ito ay kasabay ng paglalagda ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order 163 na ipinag-uutos ang pagbibigay proteksyon, pagtanggap, at pagkalinga ng pamahalaan at ng buong bansa sa mga refugees na apektado ng digmaan.

“That will be our gift to give to whole world,” ayon kay Bishop Santos.

Tiniyak ng obispo ang kahandaan ng CBCP-ECMI sakali mang magsimula ang inisyatibo ng pagtanggap ng refugees.

Ayon kay Bishop Santos, patuloy din ang pag-aalay ng mga Misa at pananalangin para sa mga mandaragat at migrante upang ipag-adya ang bawat isa sa banta at panganib na idinudulot ng digmaan.

“We have issued our pastoral statement about the invasion in Ukraine praying for war to end, change of heart for those who called the war, and protection of all, especially migrants and seafarers,” ayon sa obispo.

Sa pinakahuling talaan ng United Nations, umaabot na sa mahigit isang milyong refugee ang lumikas sa Ukraine dahil sa patuloy na pananakop ng Russia sa bansa.

Exit mobile version