Home Diocesan Reports Diyosesis na nasalanta ng ‘Yolanda,’ tutulong sa biktima ni ‘Rolly’

Diyosesis na nasalanta ng ‘Yolanda,’ tutulong sa biktima ni ‘Rolly’

Layunin ng diyosesis na maging daluyan ng awa at pag-ibig ng Panginoon sa pamamagitan ng pagbibigay ayuda

Magpapaabot ng tulong pinansyal ang Diocese of Borongan sa mga nasalanta ng super typhoon “Rolly” sa Bicol region at mga karatig lalawigan.

Ayon kay Bishop Crispin Varquez ng Borongan, layunin ng diyosesis na maging daluyan ng awa at pag-ibig ng Panginoon sa pamamagitan ng pagbibigay ayuda sa mga biktima ng bagyo na nanalasa sa bansa sa gitna ng patuloy na krisis na kinahaharap ng lahat dulot ng COVID-19.

“We try our best na amidst the pandemic we can still be in solidarity with you through our financial assistance na ipadala sa inyo,” ayon sa obispo.




“I don’t know if we can send a big amount but we are still now collecting assistance from our parishioners, from the priest and religious, kaya magpapadala kami sa inyo ng kaunting tulong para magamit ninyo sa pag-recover,” bahagi ng pahayag ni Bishop Varquez sa panayam sa Radyo Veritas.

Paliwanag ng obispo, batid ng mamamayan ng Eastern Visayas ang mga pinagdaraanan at nadarama ng mga naapektuhan ng super typhoon “Rolly” matapos ang karanasan ng lalawigan sa pananalasa ng super typhoon “Yolanda” pitong taon na ang nakakalipas.

“It is not difficult for us to be one with you because we experienced the same even stronger typhoon sa amin years ago … kaya kami po ay nakikiisa sa inyong struggles and difficulties right now,” dagdag ng obispo.

Mula sa ulat ng Veritas 846

Exit mobile version